COLORUM | Operasyon ng Wunder Carpool, pinatitigil ng LTFRB

Manila, Philippines – Pinaalalahanang muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Transportation Network Company (TNC) na Wunder Carpool na itigil ang kanilang operasyon.

Ayon sa LTFRB, January 27 pa nang maglabas sila ng cease and desist order para sa naturang TNC dahil sa pag-o-operate nang walang koordinasyon sa ahensya.

Dahil dito, ikinokonsiderang colorum ang mga sasakyang namamasada sa ilalim ng Wunder Carpool.


Dahil isang foreign carpool ang Wunder Carpool, makikipag-ugnayan na rin ang LTFRB sa Bureau of Immigration para ilagay sa watchlist ang mga miyembro nito.

Facebook Comments