Manila, Philippines – Gusto nang tuldukan ng entertainment columnist na si Ronnie Carrasco ang isyu sa pagitan nila ni Dingdong Dantes.
Ayon kay Ronnie, nirerespeto raw niya ang ginawang pagtatanggol ni Dingdong sa misis nitong si Marian Rivera kaugnay ng isinulat niya laban sa aktres.
Pero giit nito na sana rin daw ay magkaroon ng respetuhan ng opinyon ang bawat panig kung saan hindi na siya magbibigay pa ng komento at mag-iiwan na lamang daw siya ng maikling mensahe para matapos na ang isyu.
Mas maganda rin daw na magkaroon ng closure ang naging patutsadahan nila ni dingdong at umaasahang maayos ang lahat.
Matatandaan na idinaan ni Dingdong ang kaniyang open letter sa Facebook account nito para kwestyunin ang isinulat nito laban kay Marian pero nananatiling tahimik ang aktres tungkol sa alegasyon sa kanya.