Simula ngayong araw ay matatanggap na ng mahigit 100,000 kwalipikadong pulis ang kanilang Combat Incentive Pay (CIP) at Combat Duty Pay (CDP) para sa buwan ng Oktubre ngayong taon.
Base sa abiso mula sa PNP Finance Service, aabot sa 164, 257 na mga pulis ang makatatanggap ng kanilang CDP habang nasa 116, 618 na mga pulis ang makatatanggap ng kanilang CIP.
Nabatid na nakatatanggap ng fixed rate na P3,000 na CDP ang mga kwalipikadong pulis habang ang daily CIP naman ng mga ito ay P300.
Ang CIP ay dagdag na base pay para sa mga pulis na aktibo sa mga counter-insurgency operation, habang ang CDP naman ay special allowance para sa mga pulis na kabilang sa actual police operations.
Bukod dito, ayon pa sa PNP Finance Service, matatanggap din ng 212, 915 na mga pulis ang kanilang rice subsidy bukas para din sa naturang buwan.