Combat Incentive Pay at Combat Duty Pay ng mga pulis, matatanggap na simula bukas

Makukuha na simula bukas ng mahigit 100 libong kuwalipikadong pulis ang kanilang Combat Incentive Pay (CIP) at Combat Duty Pay (CDP) para sa buwan ng Agosto ngayong taon.

Base sa abiso mula sa Philippine National Police (PNP) Finance Service, aabot sa 164, 647 na mga pulis ang makatatanggap ng kanilang CDP habang nasa 116, 083 na mga pulis ang makatatanggap ng kanilang CIP.

Nabatid na nakatatanggap ng fixed rate na P3, 000 na CDP ang mga kuwalipikadong pulis habang ang daily CIP naman ng mga ito ay P300.


Ang CIP ay dagdag na base pay para sa mga pulis na aktibo sa mga counter-insurgency operation, habang ang CDP naman ay special allowance para sa mga pulis na kabilang sa actual police operations.

Bukod dito, ayon pa sa PNP Finance Service, matatanggap din ng 214,291 na mga pulis ang kanilang rice subsidy bukas para rin sa buwan ng Agosto.

Facebook Comments