Combat operations ng militar at pulis sa Negros Oriental laban sa CPP-NPA , mas paiigtingin pa

Mas lalo pang magiging agresibo sa combat operations ang Philippine Army at Philippine National Police laban sa CPP-NPA-NDF sa Negros Oriental.

Ito ang pahayag ni Lt. Col. Randy Pagunuran, ang Commander ng 94 Infantry Batallion ng Philippine Army na nakabase sa lalawigan kasunod ng derektiba ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Iniutos ng Gobernador sa Philippine Army at PNP forces na tapusin na ang Insurgency problem ng Lalawigan at sugpuin ang teroristang NPA.


Nairita na rin ang Lokal na opisyal sa mga ginagawa ng NPA, tulad ng mga paglikida sa mga Government Officials at inosenteng sibilyan at pagsusunog ng mga heavy equipment na ginagamit sa konstruksyon ng kalsada sa mga Barangay sa Lalawigan.

Una nang ideneklara ng 15-member European Union ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army na mga foreign terrorist groups.

Facebook Comments