COMEBACK GAME | Tennis superstar Serena Williams, hindi pinalad

Abu Dhabi – Sawi ang tennis superstar na si Serena Williams na ipinalo ang kanyang comeback game.

Tinalo siya ng French open champion na si Jelena Ostapenko sa isang exhibition match sa Abu Dhabi na bahagi ng Mubadala World Tennis Championship.

Sa kabila ng pagkatalo, ikinatuwa pa rin ni Williams ang kanyang naging laro. Ito ang una niyang laban matapos manganak sa kanyang panganay na baby girl noong nakaraang taon.


Inaabangan naman ng marami ang kanyang pagdepensa sa kanyang titulo sa Australian open na magsisimula sa January 15.

Pero pag-uusapan pa raw nila Williams at ng kanyang management team kung maglalaro siya sa nasabing kompetisyon.

Facebook Comments