Friday, January 16, 2026

Comedian actor na si Long Mejia, humingi ng paumanhin kay Ellen Adarna 

Humingi ng pasensya ang comedian actor na si Long Mejia sa kaniyang John en Ellen co-star na si Ellen Adarna.

 

Ito ay matapos tawagin ng comedian na unprofessional at may attitude problem ang aktres matapos mag-walkout sa kanilang huling araw ng taping kahit na hindi pa tapos ang mga eksena.

 

Ayon kay Long, tiklop-tuhod siyang humihingi ng tawad sa mga nasabing alegasyon kay Ellen.

 

Una nang nanindigan ang kampo ni Ellen pati ang producer at co-star nito na si John Estrada na hindi nag-walkout ang aktres sa taping dahil pack-up na nang umalis ito sa set.

Facebook Comments