Manila, Philippines – Tiniyak ni COMELEC Chairman Andres Bautista na hindi na mauulit ang pag-leak ng mga records ng mga botante na nangyari bago ang 2016 election o ang Comeleak.
Sa pagtatanong ng mga myembro ng House Committee on Appropriations, nangangamba ang mga mambabatas na maulit ang Comeleak sa 2019 midterm election.
Paliwanag ni COMELEC Data Protection Officer Jose Tolentino, nangyari ang leak ng voters information dahil hindi pa co-hosted ng Department of Information and Technology o DICT ang website ng ahensya.
Pagtitiyak naman ni Bautista, ngayong katuwang na nila ang DICT sa pagmamanage ng website ay hindi na mangyayari ang hacking dahil secured na ito.
Samantala, mula sa 3.3 Billion na budget ngayong taon ay tumaas ito sa 16 Billion.
Malaking bahagi ng pondo ay bilang paghahanda sa 2019 midterm election.
Siniguro naman ng COMELEC na ikakasa agad nila ang kanilang satellite registration para sa mga katutubo, mga nasa malalayong probinsya at mga OFWs upang tumaas ang return of votes sa 2019.