COMELEC, aapela sa SC vs Smartmatic

Maghahain ang Commission on Election (COMELEC) ng Motion for Reconsideration sa Korte Suprema.

Kasunod ito sa naging desisyon ng Supreme Court (SC) na hindi nagkaroon ng maayos na proseso, kulang ang ebidensiya at sinabing “Grave Abuse of Discretion” ang ginawang disqualification ng COMELEC sa Smartmatic para maging service provider sa 2025 midterm elections.

Ayon sa Supreme Court, hindi daw dapat agad dinisqualified ang Smartmatic dahil hindi pa naman nagsisimula ang bidding ng magdesisyon ang poll body.


Pero, iginiit ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na posibleng mangyari kasi sa darating na 2025 elections na magkaroon muli ng mga magkakaaberya na makina.

Paliwanag pa ni Laudiangco, panahon na para magkaroon ang bansa ng maayos na teknolohiya para sa automoted elections.

Naninindigan din ang COMELEC na dapat ma-disqualify ang Smartmatic dahil sa pagkakasangkot nito sa suhulan noong 2016 election.

Facebook Comments