COMELEC, all systems go na para sa nalalapit na filing ng COC

All systems go na ang Commission on Elections (COMELEC) para sa nalalapit na filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato sa 2022 elections.

Ang COC filing ay gaganapin simula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2021.

Ayon kay COMELEC Director Elaiza David, handa na ang kanilang mga field office.


Habang all systems go na rin maging sa national level na nakatakdang ganapin sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

Una nang inprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mapabilang sa mga kikilalaning APOR ang mga kandidato, political party officials, at representative ng mga party-list, at mga kawani at opisyal ng COMELEC para sa nalalapit na COC filing.

Facebook Comments