Manila, Philippines – Aminado ang Commission on Election (Comelec) na hindi nila mapapanagot ang mga kandidatong gumastos na ng milyon-milyo bago pa man ang campaign period.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, ang anumang ginastos ng mga kandidato bago ang campaign period ay hindi pa saklaw ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE).
Batay sa Philippine Center for Investigative Journalism, umabot na sa 2.4 bilyong piso ang kabuuang ginastos ng 18 kandidato mula Enero 2018 hanggang Enero 2019 para sa mga ads nila sa TV, radyo, dyaryo at billboard.
Umapela naman si Guanzon sa publiko na isumbong sa kanila ang mga kandidatong nagpapamudmod ng pera at iba pang bagay.
Facebook Comments