Comelec, aminadong hirap sa pag-screen sa mga kandidato

Kinumpirma ni Comelec Spokesman James Jimenez na maa-antala ang pagpapalabas nila ng pinal na listahan ng mga kandidato lalo na sa senatorial aspirants.

Ayon kay Jimenez, nahihirapan kasi sila sa pagsala sa mga kandidato sa pagka-senador.

Ilan aniya kasi sa mga tumatakbo sa pagka-senador ay may mga naka-pending na disqualification cases na hindi pa nareresolba ng komisyon.


Sinabi ni Jimenez na sa ngayon 140 pa ang kabuuang bilang ng senatorial aspirants.

Masyado pa aniyang malaki ang nasabing bilang lalo na at labing dalawa lang naman ang kailangang manalo sa halalan.

Nilinaw naman ni Jimenez na hindi naman makakaapekto sa kanilang timeline ang pagkakaantala ng pagpapalabas ng pinal na listahan ng mga kandidato sa darating na Mayo.

Facebook Comments