Aminado si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na hindi kakayanin ng lahat ng personnel nito na magbantay at masiguro ang kapayapaan sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Kaya’t dahil dito, kinakailangan ng Comelec ang tulong ng ibang ahensya ng pamahalaan lalo na ang Philippine Coast Guard (PCG).
Sinabi pa ni Garcia, hindi rin ganoon karami ang kanilang resources kaya’t nagpapasalamat sila sa tulong at suporta mula sa ibang tanggapan ng gobyerno.
Kaugnay nito, inihayag ni Bautista na kasalukuyan nang ibinibiyahe ang mga balota sa ilang parte sa Mindanao.
Tinatayang nasa halos 7 milyon ang bilang ng balota kung saan sinisiguro ng Comelec ang seguridad ng mga kargamento.
Maliban sa mga balota, kasama sa mga idine-deliver ay mga indelible ink, canvassing forms at election returns.