Maraming natatanggap na reklamo ang Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa vote buying at vote selling.
Sa Laging Handa public press, brieifng sinabi ni COMELEC Commissioner Atty. Erwin George Garcia na bagama’t madaming reklamo at marami na ang sinampahan ng reklamo ay hindi naman napapanagot ang mga itinuturong responsible rito.
Ayon kay Garcia, kadalasan kasing nangyayari ay nadi-dismiss ang kaso dahil karamihan sa mga testigo o naghain ng reklamo ay umaayaw o umaatras ‘pag naiakyat na ito sa korte.
Paliwanag nito, mataas ang standard ng ebidensiya na kailangan ng korte lalo na ang isyu ng guilt kung saan kinakailangang mapatunayang yung tinatawag na ‘guilty beyond reasonable doubt.’
Giit nito, kapag nag-back out na ang testigo hihina at kalaunay mababasura lamang ang kaso.
Kasunod nito, umapela si Garcia sa mga testigo o maghahain ng reklamo na panindidan ang kanilang alegasyon at salaysay hanggang sa huli nang sa ganon ay maisulong ang kaso at mapanagot ang nasa likod ng vote buying at vote selling.