COMELEC, aminadong mahihirapan sa paghahanda sa nalalapit na mga halalan kung kulang ang mga commissioner

Aminado si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na hindi magiging madali ang kanilang paghahanda para sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections at BARMM Parliamentary Elections.

Ito’y kung kulang ang mga miyembro ng Comelec en banc.

Dahil dito, umaasa si Garcia na makukumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ng dalawang bagong komisyoner ng Comelec.

Kabilang sa mga komisyoner na sasalang umamo sa CA sa June 4 ay sina Commissioner Maria Norina Tangaro-Casingal at Commissioner Noli Pipo, na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Pebrero.

Hiniling ni Garcia sa CA na makumpirma ang dalawang bagong komisyoner, dahil bukod sa pagiging insider, ipinakita ng mga ito ang kanilang kakayahan at naging maayos ang nagdaang 2025 midterm elections.

Tiwala rin si Garcia na malalampasan ng dalawa ang confirmation process at masasagot nila ang mga katanungang ibabato sa kanila.

Facebook Comments