COMELEC, aminadong mahihirapang ipagpaliban ang 2022 elections dahil na rin sa mga provision sa 1987 Constitution

Nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi kailangan i-postpone ang May 2020 elections kahit pa mayroong COVID-19 pandemic.

Ayon kay COMELEC Chairperson Sheriff Abas, magiging mahirap kung ipagpapaliban ang halalan lalo’t nakapaloob ito sa 1987 Constitution at tanging ang Kongreso lamang ang may kakayahang magdesisyon dito.

Sinabi pa ni Abas na nasa Konstitusyon din na ang termino ng lahat ng halal na opisyal ay magtatapos sa June 30, 2022.


Aniya, kung nais maamyendahan ang probisyong ito ng Konstitusyon ay kinakailangan pa rin ng proposal na manggagaling sa 2/3 votes mula sa mga congressman at senador, at kinakailangan pa ng plebisito.

Iginiit naman ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na pinag-aaralan na nila ang iba pang alternative voting method kung saan plano nilang gawing online ang filing of certificate at magpa-book ng appointment for registration.

Kinukonsidera rin ng COMELEC na gawin ang “postal voting” o kaya ay “mail-in voting” para sa mga senior citizens at Person with Disability (PWD) lalo na’t itinuturing sila na vulnerable o madaling mahawaan ng sakit.

Facebook Comments