COMELEC, aminadong sinasamantala ang substitution system

Aminado ang Commission on Elections (COMELEC) na napaglalaruan ang substitution system ng halalan.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Director James Jimenez, may ilang nananamantala dito na posibleng hindi nakita ng Kongreso noong ito ay isinasabatas.

Pero, giit niya, Kongreso rin ang may karapatan at kapangyarihan na amyendahan ang nasabing probisyon.


Paliwanag pa ni Jimenez, kaya nila isinulong ang substitution system para balansehin ang pagprotekta sa karapatang pagtakbo o hindi ng isang indibidwal sa halalan at protektahan ang political party mula sa biglaang pagbawi sa kandidatura.

Facebook Comments