COMELEC, aminadong walang kapangyarihan laban sa premature campaigning

Aminado ang Commission on Elections (COMELEC) na wala silang kapangyarihan para habulin ang mga violators sa susunod na halalan.

Ito ay dahil wala pang ipinapasang batas ang Kongreso para bigyan ng pangil ang poll body sa enforcement.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, mahalagang may batas para mabigyan ng awtoridad ang poll body na mahinto ang problema sa premature campaigining.


Dagdag pa ni Jimenez, ang mga panukala laban sa premature campaigning ay hindi naging prayoridad ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Sa ilalim ng kasalukuyang panuntunan, ang COMELEC ay walang police power para mapigilan ang mga potensyal na kandidato na maagang mangampanya.

Facebook Comments