Comelec at DOE nagdaos ng final coordination meeting upang matiyak ang uninterrupted power supply sa eleksyon 2019

Manila, Philippines – Upang matiyak ang tuloy-tuloy at sapat na suplay ng kuryente sa nalalapit na eleksyon 2019.

Nagpulong kamakailan ang Energy Task Force Election kasama ang Commission on Elections (Comelec) para sa kanilang final coordination.

Napag-usapan sa pagitan ng dalawang ahensya sa pangunguna ni DOE Undersecretary & EFTE Chairperson Alexander Lopez kasama si Comelec Election & Barangay Affairs Department Director Teopisto Elnas, Jr. ang mga preparasyon at iba pang paghahanda kaugnay sa nalalapit na halalan.


Sa panig ni Lopez binigyang diin nito ang kahalagahan ng komunikasyon at koordinasyon.

Gayundin ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa security groups na kinabibilangan ng National Security Council, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Habang sa panig ni Director Elnas sinabi nitong sa pamamagitan ng tulungan ng iba’t-ibang energy sector katuwang ang security groups ay magkakaroon ng peaceful, orderly, honest and credible elections.

Facebook Comments