COMELEC at grupong Vote Pilipinas, pumasok sa kasunduan kaugnay ng nalalapit na halalan

Pumasok sa panibagong kasunduan ang Commission on Elections (COMELEC) sa grupong Vote Pilipinas.

Layon nito na mapalakas ang pagpapakalat ng impormasyon para sa nalalapit na halalan at para hikayatin ang mga Pilipino na bumoto.

Ayon kay COMELEC Commissioner Socorro Inting, patunay rin ito na handa na ang komisyon na gawing katuwang ang mga non-profit at non-partisan o grupong walang kinaaanibang political party para palakasin ang kaalaman at partisipasyon ng mamamayan sa eleksyon.


Una nang pumasok ang COMELEC sa kasunduan sa Impact Hub Manila para sa pagsusulong ng mga programa para himukin ang mga Pilipino na magparehistro para sa halalan.

Facebook Comments