MANILA – Nagpulong ngayong araw ang Commission on Elections (Comelec) at Kapisanan ng Broadcaster ng Pilipinas (KBP) para pag-usapan ang mga papayagang mag-cover sa huling Presidential Debate sa University of Pangasinan.Kasama ang media partners sa pulong, layon nito na mabigyan ng proper briefing ang lahat ng makikibahagi sa event para maiwasan ang gusot na nangyari sa mga nakaraang debate.Ayon sa Comelec Education and Information Division, itu-turnover na nila sa media partner ang pamamahala sa mismong debate pagkatapos ng release nila sa mga accreditation cards ngayong umaga.Sa ngayon, nagkumpirma na ang lahat ng presidential candidates sa mangyayaring debate kaya inaasahang mas kaabang-abang ito.
Facebook Comments