Comelec at NBI, pinaghahandaan na ang posibleng cyberattacks sa 2025 midterm elections

Nagkasundo ang Commission on Elections (Comelec) at National Bureau of Investigation (NBI) na kanilang palalakasin ang ugnayan para tiyakin na magiging bantay-sarado ang seguridad ng 2025 midterm election.

Sa naging press conference nina Comelec Chairman George Erwin Garcia at NBI Director Jimmy Santiago, kapwa sila nagkasundo na palalakasin ang cyber security ng Comelec laban sa mga nais manggulo sa halalan at sa iba pa.

Sinabi ni Santiago na nais ng NBI na makipagtulungan sa Comelec upang masiguro na magkakaroon ng isang malinis at payapang halalan.


Inihayag naman ni Garcia na lalagda ang Comelec ng isang Memorandum of Understanding sa NBI sa susunod na mga araw upang mapagtibay ang ugnayan sa isa’t isa.

Nagpasalamat naman agad ang Comelec sa ibibigay na tulong ng NBI kung saan makakasiguro ang publiko na walang magiging problema ang midterm elections habang ngayon pa lang ay nagbabala na si Santiago sa mga indibidwal o grupo na nais mangugulo na siguradong mapapanagot sila sa batas.

Facebook Comments