COMELEC at NCRPO, nagpulong para sa pagpapatupad ng seguridad sa 2019 midterm elections

Manila, Philippines – Nakipagpulong ang Commission on Elections (COMELEC) sa National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ipapatupad na seguridad sa 2019 midterm elections.

Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanilang hanay at ang COMELEC sa intelligence community sa iba pang ahensiya para matiyak na magiging maayos at ligtas ang darating na halalan sa Mayo.

Wala naman daw silang natatanggap na impormasyon hinggil sa banta sa seguridad sa Metro Manila.


Samantala, wala pa namang lugar sa NCR ang maituturing na election hotspot ngunit tiniyak ni Eleazar na patuloy nila itong binabantayan.

Facebook Comments