Ipinag-utos ng Supreme Court bilang tumatayong Presidential Electoral Tribunal ang pagbibigay ng kopya ng kanilang October 15, 2019 resolution sa COMELEC at sa Office of the Solicitor General (OSG).
Partikular ang kautusan na nag-aatas na ilabas ang resulta ng recount ng mga boto sa 3 pilot provinces sa Vice Presidential electoral protest ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Inatasan din ng Korte Suprema ang COMELEC na magreport sa kanila hinggil sa:
1.) May naihain bang petitions for failure of elections sa Lanao Del Sur, Basilan at Maguindanao;
Gayundin ang resolusyon kung granted o denied ba ang nasabing mga petisyon; kung nagkaroon ba ng special elections sa mga nabanggit na lugar at pang-apat ay ang resulta ng isinagawang special elections
Inatasan din ng Supreme Court ang COMELEC na magkomento sa loob ng dalawampung araw mula sa kanilang pagtanggap ng kopya ng resolusyon may kaugnayan sa 3rd cause of action ng election protest, partikular sa annulment ng elections sa ground ng terrorism, pananakot at panggigipit sa mga botante at ang hinggil sa sinasabing pre-shading sa mga balota sa Lanao Del Sur, Basilan at Maguindanao.
Pinagkokomento rin ng High Tribunal ang COMELEC at OSG sa loob ng dalawampung araw hinggil sa mga sumusunod:
Una, kung ang Tribunal ba ang ginagarantiyahan ng konstitusyon na magdeklara ng annulment of elections without special elections at ng the failure of elections at order the conduct of special elections.
Pangalawa, kapag nag-utos ang tribunal ng declaration of failure of elections at nag-utos ng pagdadaos ng special elections ay kung malalabag ba nito ang mandato ng, COMELEC sa ilalim ng Article IX (C) (Sec. 2) ng Konstitusyon.
Pinakokomento naman ang kampo nina Marcos at Robredo sa loob ng 15 araw matapos nilang matanggap ang isusumiteng sagot ng COMELEC at OSG.