COMELEC AT PANGASINAN POLICE, NAGPULONG PARA SA MAPAYAPANG BSKE 2023 SA LALAWIGAN

Isang Provincial Joint Security Control Center Command Conference ang isinagawa ng COMELEC, Pangasinan Provincial Police Office at iba pang government agencies para sa mapayapang pagsasagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa lalawigan.
Tatlong bayan sa lalawigan ng Pangasinan ang binabantayan ngayon ng pulisya at nakalagay sa kanilang areas of concern dahil sa intense political rivalry at history of violence sa mga nakaraang eleksyon.
Napag-usapan rin sa naturang Command Conference ang mga paraan at estratehiya ng mga hanay ng kapulisan at ng COMELEC para matiyak ang proseso sa eleksyon.

Ayon kay Pangasinan Provincial Election Supervisor, Atty. Marino Salas, nakikipagtulungan at nakikipag-ugnayan sila sa mga isyu tungkol sa peace and order na meron sa lalawigan at kung sakali man na may iba pang mga sitwasyon na parehas sa nararanasan tulad sa mga bayan na nasa kanilang areas of concern ay agad nila itong bibigyan ng aksyon. |ifmnews
Facebook Comments