COMELEC at PNP, nagpulong na kaugnay ng paghahanda sa Barangay at SK Elections

Nag-courtesy call kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia si Philippine National Police (PNP) Chief Benjamin Acorda Jr., kanina kaugnay ng magiging ugnayan nito sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE sa Oktubre.

Ayon sa COMELEC, magkakaroon pa ng commmand conference ang PNP at COMELEC sa mga susunod na araw.

Humingi rin ng tulong ang COMELEC sa pagdaraos ng konsultasyon sa panukalang ipagpaliban ang BSKE sa Negros Island.


Plano rin ng COMELEC na kausapin si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Andres Centino para sumama rin sa kanilang pagtungo sa Negros sa ikatlong linggo ng Hunyo.

Bukod sa BSKE, inilatag din ng Comelec kay Gen. Acorda ang pagdaraos ng plebisito sa Carmona Cavite.

Una nang isinulong sa Senado ang pagpapaliban sa BSKE sa Negros Oriental dahil sa mga naitalang karahasan sa lalawigan kabilang na ang pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Facebook Comments