Nagkaroon na umano ng direktiba mula national headquarters sa pagbibigay ng security personnel sa mga VIPs o maging ng mga pulitiko.
Sa pulong balitaan, sinabi ni PCol. Richmond Tadina, Police Provincial Director ng Pangasinan na lahat ng mga VIPs at Government Officials sa lalawigan ng Pangasinan ay may direktiba na ibinaba sa mga Chief of Police sa buong lalawigan para magbigay ng assistance sa mga ito dahil bukod sa online application ay mayroon umanong kailangang isumite dito.
Dagdag nito na mayroon silang kailangan isumite tulad ng accomplished form, IDs at pinaka importante ang Threat Assessment dahil ito ang gagamiting evaluation sa pagbibigay ng security personnel sa high-risk individuals mula sa Government at private individuals.
Sa hanay naman ng COMELEC Region 1, sinabi ni Assistant Regional Election Director Atty. Reddy Balabar na kailangan na nilang magsumite ng application bago pa sumapit ang January 9, 2022 para bigyang oportunidad ang mga VIPs at Government Officials sakaling gusto nilang makapag-avail ng Security Personnel maging sa mva indibidwal na mayroon na ito ay kailangan ulit na magsumite ng aplikasyon sakaling kagustuhan ng mga ito na ipagpatuloy ang pagkakataon ng security personnel mula sa PNP. | ifmnews