Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na inabsuwelto ng National Privacy Commission (NPC) ang poll body at ang Smartmatic sa isyu ng paglabag sa data privacy.
Partikular sa naging reklamo noon ng NPC Complaints and Investigation Division sa sinasabing personal data breaches sa servers ng COMELEC at Smartmatic sa survey forms at overseas voters list.
Gayunman, lumabas anila sa imbestigasyon na walang pananagutan ang COMELEC at Smartmatic sa concealment ng security breaches hinggil sa Sensitive Personal Information sa ilalim ng Section 30 ng Data Privacy Act.
Iginiit pa ng poll body na nangangahulugan ito na walang nangyaring breach sa panig ng COMELEC at ng Smartmatic sa listahan ng personal data ng 138,900 na mga indibidwal.
Bunga nito, inihayag ng COMELEC na walang naging bahid at naging matagumpay ang May 9, 2022 National at Local Elections.