COMELEC, balak gumamit ng biometrics technology sa halalan para maiwasan ang dayaan

Pag-aaralan ng Commission on Elections (COMELEC) en banc ang pagsasama ng “biometrics technology” sa halalan para maiwasan ang dayaan sa halalan.

Kasunod ito ng ibinunyag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na maraming botante sa Mindanao ang nakakaboto ng dalawang beses sa tuwing eleksyon

Iginiit naman ng COMELEC na hindi na ito dapat nangyayari kahit sa kasalakuyang set up ng halalan dahil dapat mayroong indelible ink ang lahat ng mga nakaboto na para hindi na makaulit pang bumoto.


Sa kabilang dako, aminado naman si COMELEC Chairman George Garcia na hindi ito imposible lalo na kung kasabwat aniya ng mga tiwaling pulitiko ang mga guro na nagsisilbi sa halalan.

Facebook Comments