Pinuri at lubos na sinuportahan ng mga kongresista ang pagbabawal ng Commission on Elections (COMELEC) sa substitution ng mga kandidato sa mga umaatras o bumabawi sa inihaing certificate of candidacy.
Umaasa si Manila 6th District Reps. Bienvenido “Benny” Abante Jr., na dahil dito ay hindi na mangyayari ang mga drama at sorpresang pagtakbo tuwing eleksyon.
Diin pa ni Abante ang nabanggit na desisyon ng COMELEC ay isang paalala na upang mapanatili ang integrity at transparency ng halalan na mahalaga sa tunay na demokrasya ay hindi dapat gamitin ang loopholes o mga paraan upang i-manipulate ang mga botante.
Para kay Lanao del Sur, 1st District Zia Alonto Adiong, ang hakbang ng COMELEC ay makakatulong na mapangalagaan ang proseso ng halalan at ang makilala ng lubos ng mga botante ang mga kandidatong pinagpipilian.
Ipinunto naman ni CIBAC Party-List Representative Bro. Eddie Villanueva na sadyang inaabuso na ang candidate substitution via voluntary withdrawal na tila pagkutya sa proseso ng halalan sa ating bansa.