COMELEC: Bilang ng mga bagong botante, nasa higit 2.4 milyon na 

Mas lalong naging kumpiyansa ang Commission on Elections (Comelec) na maaabot at posibleng malampasan pa ang target na 3 milyong bagong botante para sa 2025 Midterm Elections.

Sa inilabas na datis ng Comelec, nasa 2,473,922 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro.

Nangunguna sa bilang ng mga dami ng mga nagpatala ay ang Region IV-A (CALABARZON) na may 454,313.


Sumunod dito ang National Capital Region (NCR) na may 367,869; Region 3 (Central Luzon), 286,190; Region VII (Central Visayas), 176,584; at Region XI (Davao Region), 135,654.

Matatandaan na sinimulan ang voter registration noong February 12, 2024 kung saan may limang buwan pa bago ang deadline ng voter registration sa September 30, 2024.

Kaya’t dahil dito, patuloy na nananawagan si Comelec Chairman George Erwin Garcia sa mga hindi pa nagparehistro na samantalahin ang pagkakataon na makapagpatala dahil wala na silang plano pa na palawigin ang Voter’s Registration.

Facebook Comments