Binalaan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa 2022 election kasabay ng nagpapatuloy na filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa eleksiyon.
Sa gitna ito ng hindi mapigilang mga aktibidad ng mga pulitiko kasama ang kanilang mga taga-suporta.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, dapat ang mga itong sisihin kapag nagkaroon ng hawaan ng COVID-19 dahil sa ginagawang pagtitipon ng kanilang mga supporters.
Kung matutukoy aniya na naging dahilan ng pagkalat ng virus infection ang mga support rallies, kasalanan ito ng mga pulitikong pinayagan ang pagtitipon o mass gathering.
Mahigpit namang ipinaalala ng Comelec at Philippine National Police (PNP) na bawal ang mala-piyestang paghahain ng COC bilang pagsunod sa health protocols ngayong may pandemya.