Comelec, binigyan ng 72 oras ang mga lokal na kandidato na baklasin ang mga campaign materials nito

Manila, Philippines – Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang mga lokal na kandidato sa May 13 midterm elections na baklasin ang mga premature campaign materials nito sa loob ng tatlong araw.

Ito ay bago ang pagsisimula ng kanilang local campaign period sa March 29 hanggang May 11.

Sakaling bigong magawa ito ng mga local candidates ay mapapatawan sila ng election offense.


Inatasan na rin ni Comelec Spokesperson James Jimenez ang mga regional election director na mag-isyu ng kaparehas na paalala sa mga lokal na kandidato sa kani-kanilang nasasakupan.

Ang mga lokal na kandidato ay kinabibilangan ng house of representatives, provincial governor, provincial vice governor, miyembro ng sangguniang panlalawigan, mayor, vice mayor, miyembro ng sangguniang panglungsod at miyembro ng sangguniang bayan.

Facebook Comments