COMELEC, blangko pa sa eksaktong halaga na kakailanganin para sa automated counting machines

Aminado ang Commission on Elections (COMELEC) na bagama’t umaapela sila ng karagdagang pondo sa Kongreso ay hindi pa nila alam ang halaga na kakailanganin nila para sa mga gagamiting bagong makina sa 2025 Elections.

Ayon kay COMELEC Spokesman Atty. John Rex Laudiangco, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nila agad inilabas ang mga term of reference para sa midterm elections.

Sa ganitong sistema aniya’y maaga silang makakapagsagawa ng market survey sa buong mundo at maaga ring makakapag-bid ang mga interesadong magprovide ng mga kinakailangang features ng poll body.


Pagkatapos aniya ng market survey ay dito pa lamang nila malalaman kung magkano ang budget na kakailanganin para sa 127,000 precincts sa halalan sa 2025.

Facebook Comments