Comelec, bubuo ng fact finding committee para mag-imbestiga sa kandidatura ni Mayor Alice Guo noong 2022 elections

Nakatakdang bumuo ng Fact Finding Committee ang Commission on Elections (Comelec) para imbestigahan ang kandidatura ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa memorandum na inilabas ni Comelec George Erwin Garcia, inatasan niya ang Law Department ng ahensiya para makipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation, Office of Solicitor General at Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality para sa mga kaukulang dokumento.

Sa pamamagitan aniya nito ay malalaman kung nagkaroon ng misrepresentation sa mga impormasyon na idineklara ng Alkalde sa kaniyang certificate of Candidacy noong 2022 elections.


Kasunod nito, inaatasan din ang Law Department na gumawa ng rekomendasyon sakaling matapos na ang fact finding investigation.

Ang Comelec En Banc naman ang magdedesisyon kung magsasampa o hindi ng kaso laban kay Guo.

Una nang kinumpirma ng National Bureau of Investigation na nagtugma ang fingerprint ng alkalde sa Chinese passport holder na si Guo Hua Ping.

Facebook Comments