Cauayan City – Handang-handa na ang Commission on Elections Cauayan City sa pagsisimula ng Filing of Certificate of Candidacy (COC) para sa May 12, 2025 Elections ngayong unang araw ng Oktubre.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Atty. Johanna Vallejo, City Election Officer ng COMELEC Cauayan, ang filing of COC ay magsisimula ngayong araw October 1 hanggang October 8, mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Pinaalalahan nito ang mga aspirants na siguraduhing kumpleto ang kanilang COC, kung saan nararapat na isama ng mga aspirants na kabilang sa isang partido ang kanilang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA).
Sinabi rin nito na 5 kopya ng COC ang kailangan, at dapat ito ay pirmado, notarized, at may nakalagay na passport size picture.
Para sa mga hindi kayang magsumite ng kanilang COC ng personal, maaaring ipasa ng authorized representative ang kanilang dokumento basta’t siguraduhin na mayroon itong dalang authorization na nakalagay sa COC at CONA, at ID na siyang magpapatunay na siya ang representative ng aspirant.
Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!