COMELEC CAUAYAN, NAGHAHANAP NG DESO-TSS PARA SA MAY 2025 ELECTIONS

Cauayan City – Ngayong natapos na ang filing of Certificate of Candidacy para sa May 2025 Midyear Elections, naghahanap naman ang Comelec Cauayan ng magiging DESO Technical Support Staff para sa halalan sa susunod na taon.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay City Election Officer Atty. Johanna Vallejo, 54 na DESO TSS ang kanilang hinahanap ngayon upang magsilbi para sa May 2025 Local and National Elections.

Sinabi nito na hindi kailangan na residente o botante sa lungsod ng Cauayan ang mga aplikante dahil bukas ang posisyon para sa lahat.


Sa pag a-apply, kinakailangan lamang magdala ng personal data sheet at letter of intent na naka-address sa City Election Officer ng COMELEC Cauayan.

Samantala, maliban sa mga ipapasang requirements ay magkakaroon din ng exam upang malaman kung sila nga ay makakapasok bilang DESO-TSS sa darating na May 2025 Local and National Elections.

Facebook Comments