COMELEC Cauayan, Nagpaalala sa Huling Araw ng Voter’s Registration!

Cauayan City, Isabela- Nagpaalala ang tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Lungsod ng Cauayan para sa natitirang araw ng voters registration sa darating na Lunes, September 30, 2019.

Una rito, inilapit ng nasabing tanggapan ang kanilang satellite registration sa Cauayan City National High School na isa sa may pinakamalaking bilang ng mga estudyante sa Lungsod na nasa mahigit anim na libo.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay COMELEC Officer Efigenia Marquez, may inisyal na 197 estudyante na ang nakapagrehistro sa CCNHS na kinabibilangan ng mga Junior at Senior High School.


Ayon pa kay COMELEC Officer M arquez, nasa 10% ang target ng kanilang tanggapan na makakapagrehistro.

Kaugnay nito, nasa mahigit limang (5) libo na ang inisyal na nakapagparehistro ngayong taon.

Hinihikayat naman ng COMELEC ang lahat ng mga hindi pa nakapag parehistro na magrehistro na bago ang huling araw ng registration.

Ang huling araw ng registration ay isasagawa naman sa SM City Cauayan, Level 2, Building A na magsisimula sa oras na alas 8 hanggang 5 ng hapon.

Facebook Comments