COMELEC CAUAYAN, NAGPAALALA SA NALALAPIT NA PAGSASARA NG VOTERS REGISTRATION

Cauayan City – Nalalapit na ang pagsasara ng voters registration kaya naman nagpaalala ang pamunuan ng Commission on Elections Cauayan City sa mga residente ng lungsod ng Cauayan.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Atty. Johanna Vallejo, City Election Officer ng COMELEC Cauayan, bukas ang kanilang tanggapan mula Lunes hanggang Sabado, maging tuwing holidays kaya naman maaaring bumisita ang mga nais na magparehistro.

Ayon kay Atty. Vallejo, tuluy-tuloy pa rin ang isinasagawang Sattelite Registration ng COMELEC at ngayong araw nga, sila ay nasa SM City Cauayan upang serbisyohan ang mga Cauayeño na hindi pa nakakapag rehistro.


Sinabi rin ni Atty. Vallejo na sa pinakahuling ulat nasa higit 92,000 na ang registered voters sa lungsod at siguradong madagdagan pa ito bago tuluyang matapos ang voters registration ngayong taon.

Samantala, magtatapos naman ang voter’s registration sa darating na ika-30 ng Setyembre ngayong taon.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Facebook Comments