COMELEC CAUAYAN, WALA PANG NATATANGAP NA NAGHAIN NG KANDIDATURA

Cauayan City – Natapos na ang ikalawang araw ng Filing of Certificate of Candidacy subalit wala pa ring naghahain ng kandidatura sa kahit anong posisyon sa COMELEC Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team kay Atty. Johanna Vallejo, City Election Officer ng COMELEC Cauayan, bagama’t wala pang naghain ng COC ay maraming mga representatives ang kumuha ng forms para sa iba’t-ibang posisyon sa kanilang tanggapan.

Ngayong araw ang ikatlong araw ng pagtanggap ng paghahain ng COC, at bukas ang kanilang opisina mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.


Samantala, patuloy rin ang ginagawang pagbabantay ng hanay ng Cauayan City Police Station sa tanggapan ng COMELEC Cauayan upang masiguro ang seguridad sa lugar.

Facebook Comments