COMELEC Chair Andres Bautista, pinayuhang mag-leave of absence habang nasasangkot sa kontrobersya

Manila, Philippines – Hinamon ng Minorya sa Kamara si COMELEC Chairman Andres Bautista na mag-leave of absence muna sa ahensya.

Ito ay para malayang maimbestigahan ang kinasasangkutang isyu tungkol sa mga ibinulgar ng asawa nitong si Patricia Bautista na iligal na yaman ng Chairman.

Giit ni Minority Leader Danilo Suarez, kung may delicadeza ang Chairman ay dapat na umalis muna ito sa komisyon habang iniimbestigahan ang ill-gotten wealth nito na aabot sa 1 Bilyong piso.


Kung mag-leave of absence ito ay malayang makakagalaw ang mga mag-iimbestiga lalo na sa mga hihingiing dokumento at mga posibleng testigo sa loob ng COMELEC.

Sa ganitong paraan ay maaaring mapatunayan ni Bautista na siya ay inosente laban sa mga bintang ng kanyang asawa.

Bukod kay Kabayan Rep. Harry Roque, naghain na rin ng resolusyon si Caloocan Rep. Edgar Erice na nagpapaimbestiga sa mga alegasyon ng iligal na yaman ni Bautista.

Facebook Comments