COMELEC Chair Bautista, muling pinayuhan na mag-leave, ahensya apektado na sa isyu

Manila, Philippines – Inamin ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na naaapektuhan na ang Commission on Elections sa mga isyung kinakaharap ni COMELEC Chairman Andres Bautista tungkol sa 1 Billion ill-gotten wealth nito.

Dahil dito, muling pinayuhan ni Guanzon si Bautista na mag-leave of absence na sa ahensya.

Giit ni Guanzon, ang payo na magleave ang CoMELEC Chairman ay para na rin sa kapakanan nito at sa kapakanan na rin ng buong COMELEC.


Sinabi pa ni Guanzon na nagsasuffer na ang komisyon katulad na lamang ngayong araw na na-defer ang budget hearing ng ahensya dahil wala ang kanilang head na si Bautista.

Samantala, naniniwala naman si Guanzon na kayang harapin ni Bautista ang isasampang impeachment complaint sa kanya dahil may mga magagaling na abogado ito.

Ala-una mamayang hapon maghahain ng impeachment complaint sa tanggapan ng House Secretary General sina Atty. Ferdinand Topacio at dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras laban kay Bautista.

Kabilang sa grounds ng reklamo ang betrayal of public trust dahil sa paglalagay sa kahihiyan sa COMELEC at culpable violation of the constitution dahil naman sa kabiguang magdeklara ng wastong SALN.

Facebook Comments