COMELEC Chair Bautista, tuloy ang trabaho

Manila, Philippines – Tuloy ang trabaho ni COMELEC Chairman Andres Bautista.

Ito ay matapos ngang mabasura sa Kamara ang impeachment complaint na inihain nina Atty. Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio laban sa kanya.

Sa interview ng RMN kay Bautista, masaya siya sa naging desisyon ng House Committee on Justice dahil pagkakataon ito para linisin ang kanyang pangalan.


Kasabay nito, pinasalamatan ng COMELEC chairman ang lahat ng sumuporta sa kanya.

Ipinauubaya naman na ni Bautista sa kanyang abogado ang hakbang na gagawin nila para sa mga taong responsable sa pagsasampa ng impeachment complaint laban sa kanya.

Facebook Comments