
All set na ang Commission on Elections (COMELEC) para sa isasagawang final testing and sealing ng mga makinang gagamitin sa May 12 elections.
Ang final testing and sealing ay isinasagawa para malaman ang accuracy o kung gumagana nang maayos ang mga automated counting machines o ACM’s.
Pangungunahan ngayong araw ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang final testing and sealing sa Pateros Elementary School na matatagpuan sa P-Herrera St. Barangay San Pedro, Pateros dakong alas-9:00 ngayong umaga.
Aabot sa 110,000 na ACM ang isasalang sa final testing and sealing sa buong bansa bago ang nalalapit na halalan.
May sampung katao ang random na mapipili para sa nasabing test-voting.
Kapag natapos na ang naturang proseso ay sa araw na mismo ng halalan ulit mabubuksan ang mga makina.









