COMELEC Chairman Andres Bautista, hindi magpapaapekto sa kontrobersiyang kanyang kinahaharap

Manila, Philippines – Ngayong nahaharap sa kontrobersiya si Commission on Elections Chairman Andres Bautista, sa 4 na mga anak niya siya kumakapit at kumukuha ng lakas ng loob.

Ayon kay Bautista, sa mga ganitong pagkakataon, hindi dapat siya panghinaan ng loob dahil alam niya na wala siyang ginawang mali.

Sa pambihirang pagkakataon maging ang kanyang in-laws o ang nanay at tatay ng kanyang asawa ay pumapanig sa kanya.


Iginiit pa ng opisyal na hindi apektado ng kanyang personal na buhay o problema ang trabaho niya bilang poll chief.

Sa katunayan, tuloy-tuloy ang preparasyon ng komisyon para sa nalalapit na Barangay at SK elections.

Inanunsyo pa nito na sa darating na Miyerkules ay mag-uumpisa na ang printing ng mga balota.

Facebook Comments