COMELEC Chairman Andres Bautista, posibleng ma-impeach

*Manila, Philippines – *Nanganganib mapatalsik sa pwesto si COMELEC Chairman Andres Bautista.

Ito’y dahil sa mga alegasyon ng kanyang misis na si Patricia Paz Bautista kaugnay ng kwestyonableng isang bilyong pisong tagong yaman.

Ayon kay Sen. Grace Poe – mainam ang pagpupursige ng lifestyle check ng iba pang matataas na opisyal ng poll body.


Nilinaw naman ng senadora na wala siyang personal na sama ng loob kay bautista at hindi rin umano isyu ang pagkatalo niya sa nakalipas na presidential elections.

Aniya, isang constitutional commission ang COMELEC at sa pamamagitan lamang ng impeachment pwedeng matanggal sa pwesto si Bautista.

Facebook Comments