COMELEC Chairman Andres Bautista, pwedeng makaiwas sa impeachment proceedings kung magbibitiw sa pwesto

Manila, Philippines – Nagbigay ng unsolicited advice si Eastern Samar Rep. Ben Evardone kay COMELEC Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Evardone, kung gusto ni Bautista na makaiwas sa impeachment proceedings dito sa Kamara ay dapat magbitiw o mag-resign na ito bilang chairman ng ahensya.

Maiiwasan din umanong makaladkad pang lalo ang COMELEC sa mga kontrobersiya nito.


Maliban dito, sinabi ni Evardone na kailangan ni Bautista ng tamang panahon para matutukan ang pagtatanggol nito sa sarili sakaling may magsampa na ng kaso laban dito.

Hindi aniya maaaring hati ang atensiyon ni Bautista lalo na ngayong kakailanganin nang maghanda ng COMELEC para sa midterm elections sa 2019.

Facebook Comments