Manila, Philippines – Bagamat lusot na sa impeachment complaint, hindi pa rin ligtas sa mga kasong kahaharapin si resigned Comelec Chairman Andres Bautista.
Ito ayon kay Senator Chiz Escudero, ay kung hindi maipaliliwanag ni Bautista ang kuwestiyunableng yaman nito.
Aniya, marami paglabag sa mga probisyon ng anti-money laundering council si Bautista.
Idagdag pa aniya ang Estafa kung hindi idineklara ni Bautista ang totoong statement of assets and liabilities nito.
Ayon kay Escudero, Chairman ng Senate Committee on Banks and Financial Institutions, magpapatuloy ang pagdinig ng kanyang kumite kapag nagbalik sesyon na sa November 13.
Wala naman balak si Escudero na ipatawag sa senate hearing si Patricia Bautista, maybahay ni Bautista at pangunahing nagbulgar sa kanyang mga kuwestiyunableng yaman.
Ito ayon kay Escudero ay upang hindi maging venue ang Senado para mabati ng publiko ang alitan sa pagitan ng mag-asawa.