Comelec Chairman Bautista, pinaghahanda na sa kanyang magiging depensa

Manila, Philippines – Pinayuhan na ng mga endorsers ng impeachment complaint si Comelec Chairman Andres Bautista na maghanda na sa kanyang depensa.

Ayon kina Deputy Speaker Gwen Garcia at Kabayan Rep. Harry Roque, mabigat ang mga ebidensya at dokumento na inihanda nila laban kay Bautista.

Puro anila authentic at original ang mga dokumentong hawak kaya malaki ang pag-asang ma-i-impeach sa Senate impeachment court ang Comelec Chairman.


Dagdag pa ng mga ito na magsilbi sanang aral sa mga opisyal ng Comelec ang nangyari kay Bautista.

Kailangan aniyang magtino sa serbisyo upang hindi matulad sa kanilang Chairman.

Sinabi pa ng mga mambabatas na ang pagbibitiw ni Bautista ay pakulo na lamang dahil gusto lang subukan ng Chairman ang desisyon ng Kamara sa pag-aakalang mababasura ang reklamo laban sa kanya.

Kaugnay pa dito, sinabi ni Roque na walang maipagmamalaki si Bautista kahit nagbitiw ito dahil sa kasaysayan ng bansa ay impeached ito ng Kamara at kauna-unahang Comelec Chairman na napatalsik sa pwesto.

Facebook Comments