COMELEC Chairman Bautista, sinampahan ng patung-patong na kaso ang kanyang asawa

Manila, Philippines – Ipinagharap ng patung patong na kaso ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista ang kanyang asawa na si Patricia Paz “Tish” Bautista.

Kabilang sa mga kasong inihabla ni Chairman Andy sa Taguig prosecutor’s office laban sa kanyang asawa ang extortion, grave coercion, robbery at qualified theft.

Sinabi pa ng poll chief na apektado na ang kanilang mga anak sa kontrobersiyang kanilang kinasasangkutan.


Kwento pa nito, ilang araw nang hindi pumapasok sa eskwelahan ang kanilang mga anak dahil binubully ng kanilang mga kamag-aral

Matatandaang ibinulgar ni Gng Bautista na mayruon umanong tagong yaman ang poll chief.

Agad namang bmwelta si Chairman Bautista at sinabing maluho at mayroong ibang lalake ang kanyang asawa.

Facebook Comments